DEPORTATION CASE | Apela ni Sister Fox, malabo pang madesisyunan ng DOJ

15

Manila, Philippines – Malabo pang magpalabas ng desisyon ang Department of Justice sa apela ni Sister Patricia Fox kaugnay ng kanyang deportation case

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magsusumite pa ng memoranda ang kampo ni Fox at ang Bureau of Immigration.

Una nang inihayag ng BI na hindi makaka apekto sa magiging desisyon ng DOJ sa deportation case ni Sister Fox, ang temporary visitor’s visa na binigay nila dito.

Limampu’t siyam na araw lamang ang validity ng nasabing visa ng Australian missionary.

Facebook Comments