PALIHIM NA PAGHAHAKOT NG RELIEF GOODS, PINABULAAN NG ISANG KAPITAN SA CAUAYAN CITY.

Cauayan City – Mariing pinabulaanan ni Brgy. Captain Melchor Meriz ng District III, Cauayan City ang paratang na palihim na hinakot ang mga bigas na bahagi ng relief goods para sa kanyang nasasakupan.

Nilinaw ni Kapitan Meriz na totoong inilipat nila ang mga nakasakong bigas mula sa kanilang Brgy. Hall pero hindi para itago kungdi para ilagay sa mas ligtas na lugar. Nangngamba umano sila na baka mabasa kapag bilang umulan kaya inilagay nila ang mga saku-sakong bigas sa mas ligtas na taguan. Dagdag pa ni kapitan Meriz, ayaw nilang mapulaan at masabihang may amoy ang mga ipninamimigay na bigas kaya nila ito ginawa. Hindi umano totoong pinatay ang ilaw at at inilihis ang CCTV sa mga oras na yun.

Una rito, nakatanggap ng report ang 98.5 iFm Cauayan na may naglipat ng mga bigas at inilihis pa ang CCTV para hindi makita kung sino ang mga naghakot at kung ano ang sasakyang ginamit. Siniguro ng kapitan na nakatutok ang CCTV sa mga bigas kaya makikita ang mga ito sakaling may magnakaw at makikita rin aniya ang plate number ng mga sasakyan.


Samantala, tapos na ang pagtukoy sa mga nangungupahang na locked down sa District III, Cuayan City. Ayon kay Meriz, mayroong kabuuang 333 na pinagsamang nangungupahan mula sa ibang lugar at mga mismong taga Cauayan City.

Matatandaang inutusan ni Mayor Bernard Dy ng Cauayan ang mga kapitan sa Poblacion na bigyan ng ayuda ang mg ana stranded dito sa lundsod dahil sa ECQ.

Isang sako ng bigas (25k) ang matatanggap ang mga taga Cuayan na nangungupahan at rekief packs ang para sa mga nangungupahang mula sa ibang lugar.

Facebook Comments