Manila, Philippines – Inaasahang dadagsa na sa mga paliparan,terminal at mga port area ang mga magsisipag-uwian sa kani-kanilang probinsya.
Tiniyak ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) na handa nasila sa pagdagsa ng mga motoristang patungong norte.
Kasabay nito, nagpaalala si Philippine Coast Guard SpokespersonCommander Armand Balilo, na mag-ingat ang mga bi-biyahe sa mga colorum nasasakyang pandagat.
Madalas kasing walang life jacket na ipinagagamit sa mga pasheroat wala ring pormal na permit galing sa PCG ang kanilang pagbyahe.
Nabatid na nasa anim na libo personnel ang itinalaga ng ahensyapara magbantay sa buong bansa ngayong holy week.
Hinikayat naman ni Manila International Airport Authority (MIAA)General Manager Ed Monreal, ang kanilang mga personnel na maging alerto para samga hindi inaasahang pangyayari.
Aniya, mahigpit ang implementasyon ng traffic management lalo nasa NAIA terminal 3.
Paliparan, pantalan at transport terminals, nakaalerto na ngayong Semana Santa
Facebook Comments