Manila, Philippines – Welcome kay Senator Panfilo Lacson ang suhesyon sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement, na ipasa na lamang sa gobyerno ang pamamahala ng Small Town Lottery operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Ayon kay Lacson, mas maigi ito dahil mayroong mali sa kasalukuyang operasyon ng STL, kung saan mga Gambling lords ang namamahala, kaya’t 50% sa kikitain sana ng gobyerno ay napupunta lamang sa bulsa ng iilan.
Ayon kay Lacson, hindi malabong gobyerno ang magpatakbo ng STL, dahil gobyerno rin naman ang may hawak sa operasyon ng lotto.
Gayunpaman, hindi pa nito masasabi kung ito na ang susi para tuluyang matuldukan ang mga paglabag at katiwalian sa STL.
Kailangan muna kasing malaman nila ang sistema at operasyon ng pamamalakad sa Small Town Lottery operations ng PCSO.