PALIT PINUNO | Senate majority block, posibleng pagdesisyunan ngayong araw ang pagpapalit ng liderato

Manila, Philippines – Inaasahang ngayong araw ay dedesisyon na kung magpapalit ng liderato ng senado.

Ayon kay Senate Marority Leader Tito Sotto, makikipagpulong muna ang mayorya kay Senate President Koko Pimentel bago pagdesisyunan ang palitan ng liderato.

Muli namang nilinaw ni Senador Manny Pacquiao, na kontento silang mga senador sa pamumuno ni Pimentel.


Taliwas ito sa mga ulat na hindi nasisiyahan ang mga senador sa pamumuno ni Pimentel.

Oras na bumaba bilang senate president, tiniyak ng mga senador na bibigyan ng pamumunuang komite si Pimentel.

Facebook Comments