PALIT-PURI SCHEME | Sex-for-freedom scheme sa PNP, pina-iimbestigahan ni Senator de Lima

Manila, Philippines – Pinapaimbestigahan ni Senator Leila de Lima sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang umano ay umiiral na sex-for-freedom o palit-puri scheme sa Philippine National Police.

Ang hakbang ni de Lima ay kasunod ng akusasyon ng 15-anyos na biktima na siya ay ginahasa umano ni Police Officer 1 Eduardo Valencia ng ‪Manila Police District Station 4 Drug Enforcement Unit.

Ito umano ang naging kapalit sa pagpapalaya mula sa piitan ng kanyang mga magulang na inaresto kaugnay sa iligal na droga.


Sa inihaing Senate Resolution number 930 ay binigyang diin ni de Lima na nakakaalarma ang ginagawang ng ilang miyembro ng pambansang pulisya na pag-abuso sa mga kabahaihan kapalit sa pagpapalaya ng kanilang nakabilanggong kaanak.

Giit ni de Lima, ang ganitong gawain ng mga otoridad ay hindi dapat kunsintihin ng pamahalaan.

Tinukoy din ni de Lima ang report ng Center for Women’s Resources na umaabot sa 56 pulis ang sangkot sa 33 kaso ng pag-abuso sa mga kababaihan simula noong 2016.

Binanggit pa ni de Lima na simula noong 2016 ay maraming ding naidokumento ang Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific na mga kaso ng pag-buso ng mga pulis sa mga kanabaihan.

Facebook Comments