Palit-ulo na alok ng Maute group, binaril ng palasyo; Gobyerno, hindi makikipagnegosasyon sa terorista ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na hindi makikipagnegosasyon ang pamahalaan sa ISIS o Maute Terror Group.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap ng pahayag ng Maute na pakakawalan nila ang bihag nilang Pari na si Fr. Chito Suganob kung pakakawalan ang magasawang Maute o ang mga magulang ng mga pinuno ng Maute Group o palit-ulo

Ayon Kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naninindigan ang pamahalaan sa polisiya nito na hindi makikipag negosasyon sa terorista.


Wala aniya silang alam sa nauna nang pagamin ni assistant secretary Dickson Hermoso na nagpadala sila ng emisaryo para maikpagusap sa Maute para mapakawalan ang mga bihag nito.

Facebook Comments