Pangkalahatang naging mapayapa ang pagdaos ng Linggo ng Palaspas o mas kilala bilang Palm Sunday kahapon, April 2, 2023 sa ilang mga simbahan sa lungsod ng Dagupan.
Dinagsa ng daan daang mga debotong katoliko ang mga simbahang St. Therese of the Child Jesus Parish at St. John the Evangelist at ang Most Holy Rosary Parish sa Brgy. Calmay hawak ang kanilang mga palaspas para sa pagbasbas ng mga ito.
Kasabay ng pagdaos nito sa mga simbahan ang pag-antabay ng mga kapulisan ng PNP Dagupan upang masiguro ang kapayapaan at kaligtasan ng mga churchgoers na magpapatuloy pa hanggang sa mga susunod na araw.
Samantala, ang Palm Sunday ay ang paggunita sa pagpasok ni Hesukristo sa Herusalem bago ang kanyang pagpapakasakit sa kalbaryo. |ifmnews
Facebook Comments