ZERO CASUALTY, TARGET NG PANGASINAN PDRRMO SA PAGGUNITA NG SEMANA SANTA

Target ng ahensyang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang zero casualty sa paggunita ng Semana Santa ngayong linggo mula April 6 hanggang April 9 ngayong buwan.
Alinsunod nito ang puspusang paghahanda katuwang ang ilang mga line agencies sa pagpapatupad ng mga safety precautions sa mga bahaging lugar na dadagsain ng mga tao partikular sa mga baybayin.
Tiniyak ang regular na pag-iikot ikot ng mga appointed personnel sa dagsaan ng mga tao. Kumpleto rin ang water assets ng ahensya sakaling kakailanganin ng mga beachgoers bilang rescue sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Patuloy din ang information dissemination ng ilan pang pagpapaalala upang maging mapayapa at maayos ang pagdaos ng Semana Santa.
Nakaantabay din ang mga personnel ng medical team for first aid sa mga dadagsaing babaybayin upang makatuwang ng mga tao sa pagresponde sa anumang insidenteng pangkalusugan.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang mga nakadeploy na mga coast guards at ilan pang kawani ng PDRRMO upang umantabay sa seguridad at mapanatili ang zero casualty na target ng awtoridad. |ifmnews
Facebook Comments