PALPAK? | Foreign policy ng Administrasyong Duterte banta umano sa ating kalayaan

Manila, Philippines – Itinuturing ni Senadora Risa Hontiveros na palpak at banta sa kalayaan at soberenya ng ating bansa ang foreign policy ng Administrasyong Duterte.

Partikular na ikinakabahala ni Hontiveros ang kasunduan ng ating gobyerno sa China kaugnay sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Tinukoy din ni Hontiveros ang harassment ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa panatag o Scarborough Shoal.


Gayundin ang paglapag ng isang Chinese military aircraft sa Davao International Airport na aniya ay paglabag sa diplomatic at security protocols ng ating bansa.

Kasabay nito ay hiniling ni Hontiveros kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa foreign affairs officials na isapubliko ang estratehiya para tugunan ang agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Giit ni Hontiveros, dapat matiyak na mamamayan ng ang hakbang ng pamahalaan ay naglalayong ipaglaban at proteksyunan ang ating pambansang interes.

Facebook Comments