PALPAK? | MMDA, aminadong hirap ipatupad ang HOV lane

Manila, Philippines – Kahit maliwanag na, hindi pa rin kita ng mga CCTV cameras ang mga lulan ng lahat ng sasakyang bumabaybay sa EDSA.
Sa pagsisimula ng dry run ng High Occupancy Vehicle o HOV Lane Policy ngayong araw, gamit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang mga high definition CCTV camera para malaman kung may mga lalabag o may sasakyang dadaan sa HOV Lane kahit nag-iisa lang ang driver.

Sa MMDA operations center, may ilang mga sasakyang hindi gaanong madilim ang tint ng windshield pero hirap pa ring makita kung ilan ang sakay ng sasakyan.

Lalo na ang mga sasakyang heavily tinted kung saan wala nang maaninag kahit pa high definition camera na ang gamit ng MMDA.


Samantala, nagpakalat din ang MMDA ng mga enforcer na tatayo sa footbridge at may hawak na handy camera dahil base sa obserbasyon, kita sa malapitan ang laman ng sasskyan kapag handy camera ang gamit.

Nilinaw naman ng ahensya na hindi pa sila manghuhuli kundi information campaign pa lang ang gagawin sa loob ng isang linggo.

Hindi pa rin pinal kung tuluyan itong maipatutupad dahil magkakaroon pa ng assessment hinggil dito.

Facebook Comments