PALUSOT LANG? | Kabataan partylist, Tinawag na palusot ng Duterte administration ang Red October plot sa nararanasang problema ng bansa

Manila, Philippines – Tinawag ng mga grupo ng militanteng kabataan na palusot sa nararanasang problema ng bayan ang pagpapalutang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Red October plot.

Sa isang pulong balitaan,sinabi ni Erika Cruz ng Kabataan Partylist, gawa-gawa lamang umano ng palasyo ang Red October plot para takutin ang publiko at bigyang katwiran ang posibleng pagsasailalim ng buong bansa sa Martial law.

Pero, sa halip aniya na masindak ang mga kabataan ,lalupa umano silang nagagalit sa Duterte administrasyon.


Naniniwala pa ang grupo nagpapalutang ng gawa-gawang kuwento ang administrasyon para maisulong ang revolutionary government at maisulong ang Cha- cha.

Dahil dito, magkakasa ang grupo ng malawak na kilos protesta laban sa pamahalaan.

Facebook Comments