CAUAYAN CITY- Isang submersible drone na may habang humigit kumulang 12 talampakan ang narekober ng isang magsasaka sa Brgy. Magsidel, Calayan Island, Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng iFM News team mula sa Cagayan Provincial Information Office, ang nasabing drone ay kinumpirma ng PNP Calayan.
Sa isang panayam, sinabi ni PMAJ Jose Cabaddu Jr., hepe ng PNP Calayan, habang sumisisid ang mangingisda 200 metro ang layo mula sa pampang, nakita nito ang nasabing bagay kaya hinila niya ito sa dalampasigan.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy kung saan nanggaling ang submersible drone na ito dahil sa walang nakitang marka rito.
Sa pagsisiyasat, napag-alaman na hindi na gumagana ako propeller ng nakuhang drone.
Itinurnover ito at kasalukuyang nasa pangangasiwa ng Philippine Coast Guard para sa karagdagang imbestigasyon.