Pamahalaan, binigyan ng pasadong grado ng ilang health workers sa pagtugon sa COVID-19 pandemic

COURTESY: Philippine College of Physicians

Binigyan ng 80 percent o pasadong grado ng ilang health workers ang pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin, masaya sila sa performance ng gobyerno lalo’t napagbigyan ang hiling noon ng mga health workers na magkaroon ng “timeout”.

Aniya, naniniwala sila na malaki pa ang puwang para mapaganda ng pamahalaan ang kanilang performance.


Patuloy rin aniya silang umaasang pakikinggan pa rin sila ng pamahalaan sa kanilang mga daing.

Kasabay nito, giniit ni Limpin na hindi dapat bawasan ang physical distancing sa mga pampublikong transportasyon dahil lang sa kagustuhang maging normal na ang sitwasyon.

Sa halip ipatupad ang reduced physical distancing, gawin na lang ng gobyerno na i-adjust ang curfew para hindi sabay-sabay ang pasok ng mga empleyado.

Facebook Comments