Pamahalaan, bukas sa mga inisyatibo tulad ng community pantries

Hindi gagayahin ng pamahalaan ang mga inisyatibo tulad ng community pantries na nagsusulputan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, pero hindi ito nangangahulugang wala nang ipinapaabot na tulong sa mga nangangailangan.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, malugod nilang tinanggap ang tulong ng mga pribadong sektor.

Ang pamahalaan aniya ay nakatuon sa ilang mga programa para mabawasan bilang ng mga nagugutom sa bansa.


Kabilang na sa programa ng gobyerno ay ang paglalaan ng food packs sa mga pamilya sa ilalim ng localized lockdown maging ang mga biktima ng kalamidad.

Bukod sa pamamahagi ng cash subsidies at iba pang relief packs sa mga pamilyang nasa ilalim ng mahigpit na lockdown, sinabi ni Nograles na mayroong food assistance programs.

Iginiit ni Nograles na kailangan ng kooperasyon ng publiko para malampasan ang health crisis.

Facebook Comments