Pamahalaan, bukas sa pagpapalawig ng ECQ sa ‘NCR Plus’ bubble at sa karatig lalawigan

Bukas ang pamahalaan sa posibleng pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region o ‘NCR Plus’ bubble at sa karatig lalawigan kung hindi pa rin bababa ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against (NTF) COVID-19 Chairman at Defense Secretary Delfin Lorenzana, bukas sila sa mga opsyon pagdating sa mga dapat gawing aksyon ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.

Aniya, ang pagpapatupad ng isang linggong ECQ ay magsisilbing “observation period” para makita kung sapat ito para matigil ang pagtaas pa ng kaso ng COVID.


Gayunman, magiging basehan pa rin aniya ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang projections at mga rekomendasyon ng mga health expert bago sila gumawa ng susunod na hakbang.

Facebook Comments