Pamahalaan, hindi aakuin ang pananagutan sa alinmang misconduct at gross negligence dahil sa bakuna

Walang ibibigay na blanket immunity sa mga manufacturers ng COVID-19 sa bansa.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, may pananagutan ang pamahalaan sa magkakaroon ng adverse effects mula sa bakuna.

Pero hindi na kasama rito ang magkakaroon ng willful misconduct at gross negligence.


Aniya, nakasaad ang exemption sa immunity mula sa liability sa ilalim ng Republic Act 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

Ang pahayag ng Malacañang ay paglilinaw sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaaring managot ang gobyerno at hindi maaaring sagutin ang indemnity ng mga magkakaroon ng kumplikasyon mula sa mga bakunang nabili ng pribadong sektor.

Iginiit ng Pangulo na ilegal ito at tanging Kongreso lamang ang pwedeng magbigay ng ganitong kapangyarihan.

Facebook Comments