Pamahalaan hindi kuntento kaya may re-assessment sa flagship project ng build build build program

 

Hindi kuntento ang pamahalaan sa mga naunang inilistang flagship projects ng build build build program ng Duterte Administration.

 

Ayon kay Bases Conversion & Development Authority Pres & CEO Vince dizon kaya mayruong re-assessement o re-prioritizong sa listahan ng mga flagship projects.

 

Paliwanag ni Dizon mayruong mga proyekto na nakasama nuon sa priority projects ang tinanggal kalaunan dahil sa hindi ito feasible at may mas importanteng proyekto pa na dapat unahin na mas marami ang makikinabang.


 

Giit pa nito layon din ng pagrepaso ng flagship program ng build build build na mas mapabilis ang mga proyektong kailang kailangan talaga ng sambayanan kabilang dito ang mass transportation, paliparan, mga daan tulay at iba pa.

 

Kasunod nito sinabi rin ni Dizon na hindi importante kay Pangulong Rodrigo Duterte ang credits sa alinmang proyekto.

 

Katunayan karamihan sa mga kasamang proyekto sa build build build program ay ideya o nasimulan na ng nagdaang administrasyon.

 

Ang importante aniya sa pangulo ay matapos ang proyekto at mapakinabangan ito sa lalong madaling panahon ng mga Pilipino.

Facebook Comments