Pamahalaan hindi makapapayag na saluhin ng mga hindi pa bakunadong indibidwal ang pagpapagamot kapag tinamaan ng COVID-19

Malabong gayahin ng Pilipinas ang hakbang ng gobyerno ng Singapore na hahayaan nitong balikatin ng kanilang mamamayan na hindi bakunado ang bayarin sa ospital kapag tinamaan ng COVID-19, dahil tumanggi silang magpabakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque bilang may-akda ng Universal Healthcare Law, nakasaad na bakunado man o hindi laban sa COVID-19, mayroon itong alok na COVID-19 healthcare package.

Magkagayunman, iginiit ni Roque na sayang ang resources o bakuna na libre sa ngayon, kung tatanggihan.


Masasayang din aniya ang COVID package na ibabayad pa sa tatamaan ng COVID-19 dahil tumangging magpabakuna, kung pwede naman sanang maiwasan na magkasakit dahil may libreng bakunang alok ang pamahalaan.

Facebook Comments