Pamahalaan, hindi na hirap sa pamamahala ng tumataas na naman ng kaso ng COVID-19

Hindi na nahihirapan ngayon ang gobyerno sa pamamahala nang tumataas na naman ng kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron subvariant.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA research team na nang nakalipas na taon naging mabigat ang epektong ng mga variants katulad ng Alpha, Beta at Delta sa mga Pilipino dahil kinailangang magpatupad ng lockdown para iligtas ang healthcare system.

Wala pa raw kasing bakuna ng mga panahong iyon, at napupuno ang mga ospital dahil sa mga severe cases.


Pero sa ngayon aniya, ibang iba na ang pamamahala ng gobyerno sa muling surge ng COVID-19 dahil marami na ang bakunado na nagiging proteksyon para maging severe kapag nahawaan ng COVID-19.

Nagpapatuloy din aniya ang pagsusuot ng facemask kaya nakakaya na ng mga Pilipinong mabuhay sa normal kahit pa nanatili ang COVID-19 pandemic.

Umaasa si Dr. Guido na hindi magtatagal ay magdedeklara na ng endemic ang World Health Organization (WHO) mula sa pandemic.

Facebook Comments