KONDUKTOR, PATAY; 8 IBA PA SUGATAN SA SALPUKAN NG BUS AT TRUCK

30
Nasawi ang isang konduktor habang sugatan naman ang walong iba pa sa bangganaan ng pampasaherong bus at trailer truck sa Aritao, Nueva Vizcaya bandang alas tres kaninang hapon, Agosto 8, 2022.

Sa nakuhang impormasyon mula sa PNP Aritao, nakaparada ang trailer truck sa kahabaan ng National Highway sa Bone South, Aritao ng biglang banggain ng Victory Liner na bus ang likurang bahagi nito.

Kinilala ang biktima na si, Clifford Coronel Adaro na konduktor na pampasaherong bus habang nasa kritikal namang kondisyon ng drayber nitong si Armando Bautista.

Nagawa pang isugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang na dead on arrival ng attending physician.

Sugatan din ang pahinante ng truck na si Ever Lagarda na dinala rin sa RHU Aritao kasama ang iba pang mga sugatang pasahero.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.

Facebook Comments