Hinikayat ng Center for International Law (CenterLaw) ang gobyerno na makipag-ugnayan sa International Criminal Court (ICC) sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte.
Ito ay matapos sabihin ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na tatanggihan ng gobyerno ang hiling ng Office of the Prosecutor ng ICC para sa impormasyon na may kaugnayan sa naturang imbestigasyon.
Ayon sa CenterLaw, kinikilala nila ang prinsipyo ng angkop na proseso sa the international criminal justice system.
Aniya, hinahamon nila ang pamahalaan na igalang ang mga legal na proseso na isang panawagan para sa pagkakapare-pareho; hayaang maisagawa ang hustisya at hayaang malapat ang mga pamantayan nito sa lahat.
Matatandaang sinang-ayunan ng ICC ang hiling ng gobyerno ng Pilipinas na suspindehin ang imbestigasyon sa war on drugs.
Pero iginiit ni ICC Prosecutor Karim Ahmad Khan na kailangang magpakita ang Pilipinas ng ebidensya ng imbestigasyon nito, lalo na sa mga pagpatay sa naturang operasyon.