MANILA – Muling binigyan diin ng Malakanyang ang pagpapatupad ng “no-ransom policy” ng pamahalaan sa mga kaso ng kidnapping.Ito ang iginiit ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar kaugnay sa paglaya ng Norwegian kidnap victim na si Kjartan Sekkingstad.Sakali anyang mayroong ransom money na ibinayad sa Abu Sayyaf Group ay maaaring galing ito sa “third party” o pamilya ng bihag.Itinanggi rin ng Norwegian Foreign Ministry na mayroong binayarang ransom sa paglaya ng kanilang kababayan.Naniniwala naman ang militar na napilitan ang Abu Sayyaf na palayain si sekkingstan dahil sa matinding opensiba laban sa mga bandido sa Jolo.Sabado nang palayain si Sekkingstad sa Patikul, Sulu… ang isa sa apat na binihag sa Samal Island noong September 2015.Bukod kay Sekkingstad, pinalaya din kahapon ng madaling araw ang tatlong indonesians na bihag ng Abu Sayyaf.Batay sa mga lumabas na report, hindi bababa sa tatlumpung milyong piso ang ransom na ibinigay sa ASG para sa kalayaan ni Sekkingstad.
Pamahalaan, Iginiit Na Hindi Nagbayad Ng Ransom Sa Pagpapalaya Ng Apat Na Bihag Ng Abu Sayyaf Group
Facebook Comments