Pamahalaan, kinalampag sa pagsasagawa ng information campaign para sa COVID-19 vaccine

Umaapela si Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran na dapat ay nagsasagawa na ng information drive ang pamahalaan para sa COVID-19 vaccine.

Ang suhestiyon ng kongresista ay bunsod na rin ng pagsisimula ng COVID-19 vaccination program sa bansa matapos na dumating sa Pilipinas ang donasyong 600,000 doses na COVID-19 vaccines ng Sinovac.

Giit ni Taduran, dapat nga na mas katakutan ng publiko ang virus at hindi ang bakuna.


Paliwanag ng lady solon, kung mayroong epektibong communication campaign sa COVID-19 vaccine ay maiintindihan sana ng publiko ang benepisyong makukuha nila rito.

Bukod dito ay mahalaga na mayroong sapat at tamang impormasyon ang publiko para matulungan ang mga tao na intindihin at tanggapin ang anumang available na bakuna na dumating sa bansa.

Kung may kampanya para sa bakuna ay mahihigitan nito ang mga kinatatakutang epekto dahil napatunayan naman sa mga pag-aaral na minimal at non-life threatening ang adverse effects ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments