Pamahalaan, kumikilos laban sa mga Chinese nationals dahil sa pagtatatag ng underground medical facilities at illegal pharmacies

Gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan laban sa mga Chinese national na inaresto dahil sa pagpapatakbo ng illegal medical establishments sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa ika-sampung weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, sinabi niya na sumulat na siya sa Bureau of Immigration (BI) para magsagawa ng case build up laban sa mga Chinese nationals na inaresto dahil sa pag-ooperate ng underground clinics sa Pampanga.

Posibleng makansela ang kanilang visa, at isasailalim sa deportation proceedings at maaaring ilagay sa derogatory list ng BI.


Una nang sinabi ng Malacañang na nababahala sila sa mga naglulutangang Chinese medical facilities at pharmacies sa bansa.

Facebook Comments