Pamahalaan, magha-hire ng dagdag na health workers para sa COVID-19 response

Kukuha pa ng dagdag na health workers ang Department of Health (DOH) para matugunan ang kinakailangang bilang ng mga medical staff sa gitna ng pagtaas pa rin ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa virtual meeting ng House Committee on Health, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na magha-hire ang ahensya ng dagdag na 2,536 health workers.

Naglaan naman ang DOH ng P219 Million na pondo para sa hiring ng medical staff na pangunahing itatalaga sa mga government hospitals.


Ire-redeploy naman ang nasa 1,128 health workers partikular sa mga lugar na kulang ang bilang ng doctors at nurses.

Taliwas naman sa sinabi ni Duque na hindi pa napapatunayan ng World Health Organization (WHO) na talagang nakakahawa ang mga asymptomatic cases ng COVID-19, iginiit naman nito na puspusan ang ahensya sa pagsasagawa ng mas marami pang testing kung saan target ng DOH na mas marami pang asymptomatic patients ang maisailalim sa test.

 

Facebook Comments