Pangulong Duterte, muling nagpakawala ng tirada laban sa mga corrupt officials

199

Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kawani at opisyal ng gobyerno na sangkot sa korapsyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, marami pang empleyado at opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ang masususpinde.


Binanggit din ng Pangulo ang pangalan ng ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suspendido.

Hindi rin nakaligtas sa Pangulo ang Bureau of Immigration dahil sa “pastillas scheme.”

Banta ng Pangulo sa mga korap na opisyal at empleyado na kakain sila ng pera sa kaniyang harapan.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang Department of Justice (DOJ) na bumuo ng mega-task force na sisiyasat sa korapsyon sa pamahalaan.




Facebook Comments