Aabot sa 50,000 vaccinators ang kakailanganin para sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay may 4,000 trainors na silang sinasanay.
Ang mga ito naman aniya ang bababa sa mga rehiyon at mga munisipalidad para i-train ang mga vaccinators doon.
Ayon kay Vergeire, kabilang sa kanilang ginagawang training ay mula sa preparasyon ng bakuna, pagbabakuna hanggang sa pag-monitor sa nabakunahan.
Nilinaw naman ng opisyal na ang vaccinator ay isang team na binubuo ng 6 na indibidwal.
Facebook Comments