Pamahalaan, nagbabala sa publiko kaugnay sa pamemeke ng resulta ng COVID-19 test

Nagbabala si Coronavirus Testing Czar Vince Dizon sa publiko kaugnay sa pamemeke ng resulta ng COVID-19 test.

Kasunod na rin ito ng pagkakahuli ng Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) Quezon City sa dalawang babaeng sangkot sa pamemeke ng medical certificate at resulta ng COVID-19 tests sa Pasong Putik, Quezon City.

Ayon kay Dizon, hindi maaaring pekein o baguhin ang resulta ng COVID-19 tests at mabigat at kaparusahan na haharapin ng sinumang gagawa nito.


Una nang natunton ng CIDG-QC District Unit ang isang computer shop na pagawaan ng pekeng medical certificate at COVID-19 test result matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang doktor na ginamit ng kanyang pangalan at pirma para sa mga pekeng medical certificate at COVID-19 test result.

Facebook Comments