Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may ilang contact tracers na tinanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay kailangang i-rehire bilang contractual employees.
Magugunitang nagbabala ang World Health Organization (WHO) na kapag nabawasan ang contact tracing efforts ay maaapektuhan nito ang COVID-19 response.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naghahanap pa lamang ang DILG ng pondo para makapag-rehire sila ng contact tracers.
Sa ngayon, ang contact tracing ng COVID-19 patients ay responsibilidad ng Local Government Units (LGUs).
Hinihikayat ng pamahalaan ang mga LGUs na maghire ng contact tracers para tuluy-tuloy pa rin ang contact tracing efforts.
Facebook Comments