Naglaan ang pamahalaan ng halos P100 million na Presidential Assistance para sa mga naapektuhan ng nagdaang El Nino sa limang lalawigan sa CALABARZON.
Ngayong araw ay itinurn-over ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P24.04 million sa pamahalaang panlalawigan ng Batangas, habang P17.42 million ang para sa Laguna, at P28.81 million sa Quezon.
Iniabot din ng pangulo ang P12.36 million sa pamahalaang panlalawigan ng Cavite, at P14.51 million para sa Rizal.
Bukod dito, ipinamahagi rin sa mga magsasaka at mangingisda ang mga makinarya at kagamitan sa pagsasaka, tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang assistance.
Facebook Comments