Pamahalaan, nakapaglabas na ng ₱16.1 billion para sa benepisyo ng mga healthcare worker

Tinatayang aabot na sa ₱16.1 billion na halaga na ang nailabas ng pamahalaan para sa benepisyo ng mga healthcare worker na pangunahing humaharap ngayon sa COVID-19 pandemic.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) sa House Committee on Health, sa nasabing halaga ay nabatid na mula nang magsimula ang pandemya sa bansa, nabigyan ng annual hazard pay ang 390,662 healthcare workers na aabot sa mahigit ₱6.5 billion.

₱7.9 billion naman ang nailabas ng gobyerno para sa Special Risk Allowance (SRA) ng 496,314 healthcare workers mula December 20, 2020 hanggang June 30, 2021.


Nasa 32,281 healthcare workers naman ang nakatanggap ng life insurance na ginastusan ng ₱16.2 million.

Dagdag pa rito ang ₱1.2 billion para sa batch 1 at ₱401.7 million naman ang naigugol ng gobyerno para sa meals, accommodation and transportation allowance ng mahigit 200,000 healthcare workers.

Kasalukuyan namang tinutukoy ngayon ng DOH, Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) kung saan huhugutin ang P43 billion na kakailangning pondo para sa SRA ng mga healthcare worker ngayong 2022.

Facebook Comments