Bilang ng pasahero na pinababa dahil hindi bakunado kontra COVID sa ikalawang araw ng implementasyon ng “No vaccination, No ride” Policy, umabot sa 102

129

Umabot sa 102 ang bilang ng mga pasaherong hindi bakunado ang pinababa ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) sa ikalawang araw ng implementasyon ng “No vaccination, No ride” Policy.

Ikinasa ang magkakahiwalay na operasyon sa Commonwealth Avenue, Quezon Avenue at Aurora Boulevard sa Quezon City.

Aabot sa 32 na pampublikong sasakyan ang natiketan dahil sa paglabag sa Administrative Order ng Department of Transportation (DOTr).


Aabot sa ₱5,000 ang babayarang multa ng mga lumabag sa “No vaccination, No ride” Policy.

Facebook Comments