Patuloy na nakatutok ang pamahalaan sa pagsasaayos ng mga irigasyon at paghahanap ng makabagong paraan ng pagtatanim para maibsan ang epekto ng El Niño sa bansa.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na tututukan ng pamahalaan ang mga lugar na hindi naabot ng tubig.
Hindi aniya tumitigil ang pamahalaan sa paggawa ng mga hakbang at aksiyunan ang problema sa tagtuyot.
Ayon pa sa pangulo, masusi nilang pinag-aaralan ang pangangailangan ng bawat lugar.
Magkakaiba kasi aniya ang paraan ng pagtugon sa bawat lugar at hindi aplikable ang iisang solusyon lamang kung ang pag-uusapan ay ang patubig.
Facebook Comments