Kinumpirma ng Philippine Red Cross (PRC) ang pinagkaloob ng South Korean Government na halagang US $100,000 o 5.1 million pesos na tulong para sa mga biktima ng magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao.
Personal na inabot ni Korean Ambassador to the Philippines H.E. Han Dong Man ang naturang halaga kay Red Cross Chairman and CEO Senator Richard Gordon.
Sa harap ito ng maagap na pagresponde ng Red Cross sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Nag-alok din si Ambassador Han ng tulong para sa mass vaccination activity ng Philippine Red Cross kontra polio.
Ang South Korea ay isa sa mga bansang kaalyado ng Pilipinas na madalas manguna sa pagbibigay ng ayuda sa tuwing may nangyayaring kalamidad sa bansa.
Facebook Comments