Zamboanga – Pananatilihin ang “No Ransom Policy.”
Ito ang pahayag ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco, kasunod ng pagdukot ng Ajang-Ajang Group ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa apat na mga construction workers sa Patikul, Sulu noong Sabado.
Ayon kay Climaco, may negosasyon na ang nangyayari, subalit kanyang idistansya ang kanyang sarili dito dahil lalo lamang magmamatigas ang mga kidnapper sa kanilang hiling dahil isa siyang politiko, kung kayat hiniling niya sa Joint Task Force Sulu Brigadier General Cirilito Sobejana upang gawin ang lahat ng mga posibilidad na ma-rescue ang mga biktima.
Sa pinakahuling impormasyon nakuha ng RMN Zamboanga, tatlong milyong pisong ransom ang hinihingi ng mga kidnapper kapalit ang kalayaan ng apat na biktima.
Matatandaan pinasok ng higit kumulang dalawampu’t mga miyembro ng ajang-ajang group ng ASG, at pwersahang kinuha ang mga construction worker na pawang mga zamboanguenio sa isang building sa eskwelahan sa Patikul habang sila ay natutulog.
Isa ang nakatakas na si Larry Velasquez, habang nakatakas din sa kamay ng bandido ang isa pang bihag nila na si Jenly Miranda subalit wala namang balita mula sa militar kung saan ito ngayon.
Ang mga natitirang construction worker na nasa kamay ng asg ay sina Jung Guerero, Jayson Ramos Baylosis, Edmond Ramos at si Joel Adanza.