Tiniyak ng Malacañang na patuloy na tinutugis ng pamahalaan ang mga suspek na nasa likod ng malagim na Maguindanao Massacre kasabay ng paggunita ng ika-11 taong anibersaryo nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi makakalimutan ng gobyerno ang trahedya na pananagutin ang mga nagtatago sa batas.
Sinabi ni Roque na nakamit na ang hustisya matapso ang 2019 local court decision na nagbigay ng hatol sa ilang tao, kabilang ang ilang miyembro ng Ampatuan clan.
Aniya, makukulong ang mga ito ng hanggang 40 taon.
Nangyari ang masaker noong November 23, 2009 kung saan 58 ang namatay kabilang ang 32 mamamahayag at ikinokonsiderang pinakamalalang media killing at election-related violence sa kasaysayan ng bansa.
Facebook Comments