Pinawi ni COVID-19 Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang pangamba ng publiko kaugnay sa paggamit ng anti-COVID-19 vaccine na gawa ng British drug group na Astrazeneca.
Kasunod na rin ito ng pagpirma ng Pilipinas ng kasunduan sa United Kingdom para makabili ng 2.6 milyong doses ng anti-COVID-19 vaccine sa nasabing kompanya.
Ayon kay Galvez, dadaan pa rin naman sa stringent clinical trial sa bansa ang gamot ng Astrazeneca.
Binigyan diin ni Galvez na hindi gagamitin ang isang bakuna kapag hindi nag rollout sa kaniyang pinanggalingan.
Una nang inihayag ng Astrazeneca at kanyang ka-partner na University of Oxford na nakatakda silang maghain sa Lunes ng regulatory approval para sa anti-COVID-19 vaccine matapos ma magpakita na 70 percent na itong epektibo.