Worldwide COVID-19 cases, pumalo na sa 61.21 million

59

Mahigit 61.21 milyong katao na ang tinamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa Reuters tally, 1,438,281 sa nasabing bilang ang naitalang nasawi.


Na-infect na ng nasabing virus ang nasa 210 na bansa, simula ng kumalat ito sa China noong December 2019.

Nangunguna pa rin ang Amerika sa may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 na nasa 12,875,317 cases at 263,390 deaths.

Sinundan ito ng India, Brazil, Russia, at France.

Nasa pang 27th na pwesto naman ang Pilipinas na ngayon ay nasa 425,918 ang COVID-19 cases at 8,255 deaths.




Facebook Comments