Pamahalaan, planong limitahan ang brand ng COVID-19 na bibilhin – DOH

Lilimitahan ng gobyerno ang brand ng COVID-19 vaccine na bibilhin nito sa mga susunod nitong procurement.

Sinabi ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan balak lamang bumili ng tatlo hanggang apat na brand ng bakuna.

Ayon kay Vergeire, hindi na bibili ang pamahalaan ng COVID-19 vaccine mula sa Sputnik.


Bunsod ito umanong maraming vaccine portfolios at preference ng tao sa bakuna.

Sa ngayon, aabot na sa mahigit 58 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments