Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang posibleng pagpasok sa bansa ng artificial intelligence o AI generated child sexual abuse and exploitation material.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Philippine National Police (PNP) women and children protection center Chief Police Brig. General Portia Manalad na makikipagtulungan ang Pilipinas sa ibang bansa, tulad ng South Korea sa pag-develop ng tool o mekanismo upang madaling matukoy ang AI child sexual content.
Nagsimula na rin aniya ang training sa paglaban dito, at nakikipagtulungan na rin ang iba’t ibang UN agencies.
Sinisikap na ring i-upgrade ang anti-online child sexual abuse system upang magkaroon ito ng kakayanang ma-detect ang AI na mga imahe ng mga bata.
Bagama’t aminado si Manalad na isang malaking hamon ang AI child sexual content dahil karamihan sa mga ito ay nasa dark web, tiniyak nito na palagi silang “one step ahead” pagdating sa teknolohiya.