Target ng pamahalaan na mapababa ang critical health care utilization rate sa Metro Manila ng hanggang 60-porsyento sa pamamagitan ng pagdagdag ng karagdagang hospital beds.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa negosasyon ang pamahalaan para sa procurement ng karagdagang 200 Intensive Care Unit (ICU) beds para mapalakas ang health care capacity.
Isang Austrian firm ang inaasahang magpi-prisenta ng proposal sa pamahalaan ngayong linggo.
Iginiit ni Roque na tinanggihan ng pamahalaan ang alok na 15 ICU beds lamang at kanyang itinanggit na nagkaroon ng shouting match hinggil dito sa Cabinet meeting.
May ilang public at private hospitals ang nag-commit na magdagdag ng 176 ICU beds para mas maraming pasyente ang ma-accommodate.
Facebook Comments