Kumbinsido si Vice President Leni Robredo na posibleng hindi naunawaan ng pamahalaan ang mga panawagan para sa mass testing.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang target ay maitaas ang testing para maabot ang positivity rate na hindi lalagpas ng 5-porsyento, na pamantayan ng World Health Organization (WHO).
Aniya, malayo ang Pilipinas sa WHO standard dahil ang positivity rate ng bansa ay nasa 20%.
Iginiit ni Robredo na ang mass testing ay pagsasagawa ng test sa isang targeted population kung mayroong high risk ng transmission.
Kung isasailalim sa test ng pamahalaan ang buong population, ay mahihirapan na sila pagdating sa contact tracing at isolation.
Facebook Comments