Nakahanda ang gobyerno na magsagawa ng repatriation sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at tumanggap ng mga refugees sakaling tumindi ang tensyon sa Taiwan.
Sa organizational meeting ng Senate Committee on National Defense and Security, tiniyak ni Department of National Defense – Officer-in-Charge (DND-OIC) Undersecretary Jose Faustino Jr., na may nakahanda na silang contingency plan sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.
Ginarantiyahan ni Faustino ang Senado na may nakahandang detalyado at may timeline ang kanilang plano para sa posibleng humanitarian crisis.
Ang kanilang plano ay nakatuon sa paglilikas ng 140,000 hanggang 150,000 na mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Taiwan.
Kasama rin sa pinaghahandaan ang pagtanggap ng mga refugees dahil ang Pilipinas ang pinakamalapit sa Taiwan.