Pamahalaan, tiniyak ang walang sawang pagsuporta tungo sa kapayapaan sa Mindanao

Tiniyak ni Office of Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr., sa liderato ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang unconditional support ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tungo sa kapayapaan sa Mindanao.

Ito ay sa ginawang pagbisita ni Sec. Galvez kasama si Joint Task Force Sulu Commander Maj. Gen. Ignatius Patrimonio sa Camp Yusop Jikiri at Camp Dragon sa Indanan, Sulu.

Dito isinasagawa ang information, education, and communication campaign kaugnay ng MNLF transformation program.


Layon nitong makabalik sa mapayapang pamumuhay ang mga dating rebelde.

Kasunod nito, nagpasalamat si Maj. Gen. Patrimonio sa liderato ng MNLF sa kanilang pakikiisa sa pamahalaan upang wakasan ang terrorismo sa Sulu.

Pinasalamatan din ni MNLF Central Committee Chair at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Labor and Employment Minister Muslimin Sema ang pamahalaan sa pagkalinga sa mga dating rebelde at kanilang mga komunidad at sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.

Facebook Comments