Aktor na si Dindo Arroyo, inaresto dahil sa kasong cyber libel sa Biñan City, Laguna

670

Inaresto ng mga awtoridad ang aktor na si Dindo Arroyo dahil sa kasong cyber libel sa Biñan City, Laguna.

Ayon kay Laguna Police Provincial Office (PPO) Officer-in-Charge (OIC) PCol. Randy Glenn Silvio, hinuli ang aktor matapos silbihan ng warrant of arrest na ipinalabas ng Sta.Rosa City, Laguna RTC Branch 101.

Nakasaad sa warrant of arrest ang 2 counts sa paglabag RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 laban sa aktor.


Aabot sa P20,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Dindo.

Facebook Comments