Pamahalaan, tiniyak na hindi magagamit sa politika ang bakunahan

Binigyang-diin ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na hindi masasamantala ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya ang vaccination drive ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon hindi sila makakapayag na mahaluan ng pamumulitika ng sinumang kumakandidato ang vaccination efforts ng Gobyerno.

Ani ni Dizon, neutral sila at diretso sa taumbayan ang pakinabang ng pagbabakuna at hindi mapupunta ang credits sa sinumang tumatakbo na mga pulitiko.


Sinabi pa nito na magtutuloy-tuloy ang vaccination drive sa panahon ng kampanya at sa mismong araw ng halalan.

Una nang sinabi ng Palasyo na target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 90 milyong eligible population bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon.

Facebook Comments