Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may sapat na pondo ang pamahalaan para sa COVID-19 response.
Sa Pre-Sona forum, sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na sa ngayon ay nakapagpalabas na ang gobyerno ng P374.8 billion na pondo para labanan at tugunan ang pandemya sa tulong na rin ng ipinasang Bayanihan to Heal as One Act.
Paliwanag pa ni Avisado, maganda ang credit ratings ng Pilipinas na nangangahulugang mataas ang kumpyansa ng mga nagpapautang na tama ang ginagawang polisiya ng Duterte administration.
Maliban dito, malakas din ang fundamentals ng bansa bago tamaan ng pandemya na isang magandang senyales na magkakaroon ng mabilis na economic recovery.
Sa kabila ng 3.4% economic contraction ngayong taon, umaasa ang Economic Development Cluster ng Duterte administration na makakarekober sa 8 hanggang 9% ang gross domestic product (GDP) sa mga darating na taon.