Isaac Go at Thirdy Ravena, hindi na papatawan ng multa ng SBP matapos lumabag sa quarantine protocols

Hindi na papatawan ng multa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sina Isaac Go at Thirdy Ravena matapos lumabag sa quarantine protocols nang mag-ensayo sa isang sports facility sa San Juan, City.

Ayon kay SBP Executive Director Sonny Barrios, walang naiisip na penalty o fine ang organisasyon laban sa dalawang manlalaro.

Napagsabihan na rin aniya ang mga ito ni SBP President Al Panlilio at ni Director of Operations Butch Antonio kaya hindi na kailangang parusahan.


Kapwa miyembro ng Gilas Pilipinas national team sina Ravena at Go na kapwa nag-trending sa social media matapos mag-ensayo sa kabila ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.

Facebook Comments