Pamahalaan, tiniyak na walang shortage ngayong taon sa Metro Manila – Nograles

Tiniyak ng pamahalaan na hindi magkukulang ang supply ng tubig sa Metro Manila ngayong taon.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, asahan ng mga residente ang sapat na water supply dahil pinamamadali na ng gobyerno ang pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto na layong tugunan ang water requirements sa rehiyon.

Pagtitiyak pa ni Nograles na patuloy na ipinatutupad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga hakbang para masigurong sapat ang supply ng tubig ngayong tag-init.


Mayroong anim na major projects na layong maabot ang water requirements sa Metro Manila.

Kabilang na rito ang New Centennial Water Source – Kaliwa Dam Project; Long Term Water Source Development for Metro Manila Project (Upper Kaliwa and Kanan River); East Bay Water Supply Project – Phase 1; East Bay Water Supply Project – Phase 2; Wawa-Calawis Water Supply Project – Phase 1; and, Wawa-Calawis Water Supply Project – Phase 2.

Facebook Comments